Tuesday, February 22, 2011

Khrye's Post Valentine Gift

February 18 2011, my boyfriend ask me where I want to go since wala siyang pasok dahil nag off-set sia that day. Sabi ko, dalhin na lang niya ako sa Manila Zoo at yun na lang ung gift niya sakin sa valentine, di naman kasi ako materialistic eh, mas gusto ko ung igagala ako.. :D

I actually forgot the last time I visit the Zoo. Siguro mga 3 or 4 years old pa ako noon.

1:00 PM kami umalis.. medyo kinakabahan ako kasi inisip ko baka magsara agad yun dahil wala kaming idea kung ano ang schedule ng zoo..

The Zoo is open pala from 9 am to 5 pm at ang fee super affordable.. 40 pesos for the adult and 20 pesos naman for the kids..

When you enter the zoo, si Mr. Elephant agad ang makikita mo.. I guess super tanda na niya kasi parang hirap na hirap na siang maglakad.. at ang nakakalungkot dun.. wala siang friend na kasama.. If I were on his situation nako siguro lagi akong magkakasakit dahil sa kalungkutan.

Hinanap ko agad si Mr. Tiger at Si Ms. Lion, unfortunately, wala sila doon.. sobrang na disappoint talaga ako..

We saw monkeys na mahaharot.. pag sinitsitan mo eh.. lilingon tapos aalokin ka ng saging na hawak niya..

Lalo akong nadisappoint nung wala akong nakitang Giraffe.. pangarap ko pa naman makakita nun.. oh well, alam ko naman na sobrang luma na ung zoo kaya ano pa nga bang ieexpect ko..

May mga food stalls din sa loob,. Si khrye nagutom kaya nag-ayang kumain.. ang nakakatuwa pa dun, may tapsihan sa loob ng zoo.. sa halagang 50 pesos., may ulam at kanin ka na..

Wala naman ako halos nakitang animals eh.. may squirrel na ang sabi nung matanda eh sa malaysia at sa pilipinas lang daw meron nun, may bear cat tapos may hippopotamus.. at crocodile..

ang nakakatuwa pa sa zoo, may kambing na sobrang kawawa.. tuyot na dahon na lang ung kinakain..

next namin binisita eh yung house of reptiles..

I saw huge snakes and lizards..

at siyempre di mawawala si mumunting pagong..

ayun.. after ng reptiles we decided to go home na.. ang init kasi at pagod na din kami kakalakad..

gusto ko ulit bumalik dun., next time sa kinder zoo naman.. :)

No comments: