Thursday, October 14, 2010

QUATRO PAMILYA!

Sobrang Naaliw ako dito sa commercial na ito..

Parang na-kikita ko ung sarili ko kapag nag pipictorial kami bilang isa akong Camwhore.. ahahaha.

Meet the Quatro Pamilya!

Mommy Beauty
Ate Kikay
Kuya Bibo
Daddy Macho


Tuesday, October 12, 2010

SURPRISE! (n_n)

1 hour na lang at mag aanniversarry na kami.. We're sitting infront of Nanay Letty's store because bryan and his friends are having a session.. I wonder why bryan want me to sleep na or kahit manuod lang daw muna ako sa loob ng bahay..

While watching, di ko namalayan na nakatulog na pala ako.. pero siguro mga 10 minutes lang kasi ginising ako ni bryan para kumain daw muna sa lugawan near their house..

After we eat, dumiretso na ako sa kwarto kasi super antok na antok na itetchiwa..

Nakakainis pa nga kasi ang gulo gulo ng kama namin, kaya inayos ko muna.. nagtataka ako bakit parang may naka umbok dun sa unan at tinakpan pa ng kumot..

Pag-angat ko, aba at may bouquet of roses..



Kunwari na lang di ko nakita para naman di sia mabigo sa binabalak niya.. hahaha..
pero super na-surprise talaga ako kasi di ko naisip na gagawin niya yun..

since di pa siya tapos makipagkwentuhan dun sa mga pinsan niya, nauna na akong natulog sa kaniya..

di nakatiis at umakyat na din siya.. ginising ako at sabay binigay yung flower sakin..

wahahaha.. super sweet talaga ng khrye ko.. :)

Kinabukasan, nagtext yung BFF ko, naghihintay na pala sia dun sa 7-11 near our house dahil dun na siya matutulog samin para sa run for pasig..

Habang wala kami ginagawa sa bahay.. nag photo tripping muna kami.. pinicturan niya ako with the roses that bryan gave me..



Super natuwa naman ako sa BFF ko kasi pati siya kinilig sa suprise ng boyfriend ko.. meaning, happy talaga siya for us..






Sinurprise ko din naman si bryan., I cooked dinner for them..
nag prepare ako ng bake macaroni.. :)

First time ko mag luto nito kaya naman natuwa ako sa mga comments ng kapitbahay namin na masarap daw.. hehehe...


After namin mag-dinner, nagjogging kami sa washington park para mag-prepare sa run for pasig 10.10.10. :)

ayun.. sa sobrang kulitan at kwentuhan dahil dumating pa ung iba ko pang becky friends.. nag fun run kami ng walang tulog.. hehehe :)

=END=



4 years and counting...

I remember the first day we met.. we’ve been textmates for almost a month.. we exchange messages and call each other.. kahit na medaling araw na, we still spend the time talking to each other.. kahit pa alam natin na we haven’t seen each other pa.. dumating pa nga ang bagyong milenyo pero di pa din nasira ung communication natin sa isa’t isa.. kahit na nilalamok na ako sa garahe dahil walang signal sa loob ng bahay namin.. naalala ko pa noon.. nag-brown out pa nun pero pumunta ako sa bahay ng bestfriend ko para lang makicharge dahil ayaw kong maputol yung communication natin.. dito din nabuo ang tawagan natin na akala ko eh tawagang pangkaibigan lang.. KHRYE.. Khei at Bryan..

Weeks passed sa wakas nagkita din tayo.. naalala mo pa ba ung sa 7-11 dito sa guadalupe?.. na akala ko ikaw na ung lalaking nasa harapan ko.. di pala.. haha.. yun ung unang araw na sinabi mong you like me pala.. di kaya dahil sa naka set kong hair? At sa pagpapacute ko sayo.. dahil infairness naman gwapo ka..

Dun na nagstart yung paghumaling ko sayo.. YUP! I ADMIT! Na-fall na ako sayo simula nun.. lalo pa sa mga banat mong fill-in the blanks..

October 9 2006, sinagot kita.. naging tayo.. naalala ko pa yung nagkita tayo sa MCDO near shopwise, kasama ko pa sila trina nun at osep..

Super saya ko kahit na ang weird ng feeling kasi di ako sanay na kaholding hands ka.. haha.. yup ‘twas our first time we held our hands while walking..

1st monthsarry na, you gave me a necklace.. (nasakin pa ito khrye..) walang celebration ang naganap.. you visited me on our house.. sweet na sakin yun..

Marami ng buwan ang nakalipas.. kung ano-ano na din ang napagdaanan natin.. October 28, 2006, nag-outing tayo kasama friends ko sa cavite.. at kahit nagkatampuhan tayo nun eh di naman tayo pumayag na magkahiwalay ng di tayo nagbabati..

Christmas and New year 2006, di man tayo magkasama pero alam magkausap naman tayo sa phone nun, kasi nasa Pampanga ako nun diba?

We just celebrated Christmas nung umuwi ako for our star city, December 27, 2006.

Lumipas na ang maraming pangyayari sa buhay natin, nandiyan ung pinakilala mo ko sa family, yung pinakilala kita sa mama ko na super kabado ako.. yung unang beses na nanuod tayo ng sine ng tayong dalawa lang..

Yung unang away natin na umabot sa paghihiwalay pero sandal ay naayos din dahil sa sobrang mahal natin ang isa’t isa.

Isa, dalawa at tatlong taon na ang lumipas.. ilang unos na din yung napagdaanan natin.. minsan naiisip natin na bumitiw na sa pangako natin na habang buhay tayo ang magsasama..

Kung san san na nakarating yung relationship natin pero ito pa din tayo, patuloy na lumalaban sa pagsubok ng buhay..

My Love, My Life, My Bryan, Maraming Maraming salamat sa pagmamahal mo na binigay at pinaparamdam mo sakin.. Sa Apat na taon na tayo’y nagsasama at nagmamahalan, wala na akong hihilingin pang iba na makasama habang buhay kundi ikaw lang.. hanggan sa hukay ko, patuloy pa din kitang mamahalin.. ikaw ang dahilan ng paghinga ko at pagtibok ng puso ko..

Maraming salamat sa pagtitiyaga mo sa kakulitan ko.. oo inaamin ko, maraming beses na kitang nasaktan gawa ng katangahan ko.. pangako ko sayo.. hinding hindi na mauulit.. Maraming salamat sa apat na taong kasiyahang pinadama mo sakin, wag ka magalala madami pa tayong taon na sabay bibilangin..

Maraming Salamat sa pagiging isang tunay na kaibigan.. maraming beses na ako iniwan ng mga kaibigan ko pero ikaw andiyan pa din.. pinapalakas ang loob ko..

Minsan na tayong hinadlangan ng panahon at kahit pamilya mo, per patuloy pa din nating hinaharap ng sabay ang mga bagyong ito..

Mahal na Mahal kita Bryan Christopher Ramos… <3

Happy 4th anniversary!

Wednesday, October 6, 2010

BEWARE!



Grabe... This day is a mess.. muntikan na akong ma-holdup sa bus..
Ganito kasi ang nangyare..

Sumakay ako ng bus kaninang umaga sa Guadalupe papuntang opisina.. siguro aroung 9:30 am yun.. Siyempre chineck ko muna kung ung sign board nga eh papuntang ortigas ilalim bilang sa Robinson Galeria ako bababa...

Pag-akyat ko ng bus, madami ng tao sa bandang harap at gitna ng bus kaya mas pinili ko na lang magsolo at maupo sa bandang likuran.. sa tatluhan.. walang tao at wala din akong katabi sa kabilang side ng bus ng biglang may umupo doon na lalake.. di ko mawari bakit siya tingin ng tingin sa akin na parang may gustong itanong..

Nagstop ang bus sa pioneer (boni).. ng biglang siang sumesenyas na parang nagtatanong ng oras sakin..

Me: Wala akong relo eh.. (sabay pakita ng malaman kong kamay..)

Di pa rin tumigil si kuya at sumenyas pa na parang sa cellphone daw ako tumingin ng oras..

Me: Wala din akong Cellphone eh..

Buong akala ko di sia nakapagsasalita pero biglang..

Lalake: Impossible... Ilabas mo na..

Sobrang nagulat talaga ako.. at natakot dahil sa pinipilit nia akong ilabas yung cellphone ko.. parang gusto niyang tignan kung anong unit meron ako..

Nung patayo na siya.. at alam kong tatabihan ako.. Dali-dali akong tumayo at humaripas ng takbo sa may Harapan at sumiksik dun sa nagiisang babaeng walang katabi..

Siguro, kung hindi ako tumayo baka lahat na ng gamit ko nakuha niya..

Kaya mga friends.. paki-usap ko lang.. mag-ingat kayo dahil sa panahon ngayon, maraming kumakalat na masasamang tao sa paligid natin.. maraming beses na ako nadukutan kaya nagiingat na ako..

-END-

Tuesday, October 5, 2010

SALE ALERT!



Calling all Shopaholics out there...
There will be an upcoming Mega Sale on
October 15, 16 and 17 at Megamall
.

all shops is sale up to 70% off including FOREVER 21.
So what are you waiting for, save up for this 3-day sale and be ready to invade Megamall.

See Yah! ;)


Monday, October 4, 2010

Tattoo Revamp (n_n)




Thank you so much to Randrix Empamano for my tattoo revamp. :)

Next tattoo (and would be the last one): a star near my ankle




Cream Ball 2010




Everyone is preparing for the upcoming "BIGFISH CREAM HALLOWEEN BALL 2010"..

When: October 29, 2010 (Friday)
Where: A-venue Makati

Super excited kaming lahat to attend this event kahit na nakakapressure pumili ng costume. Actually first time kong umattend ng costume party kaya naman kinakarir ko to.

I am planning to wear a black devil angel..



Kaso iniisip ko masyado ng common..
Kaya super na confuse na ako sa kung ano ang susuotin ko..
Can you help me choose what's best for me??
Greek Goddess, since pangarap ko maging isang fairy :))



Korean School Girl, since I am a Kpop Fanatic..




And Finally, warrior princess.. bilang pang miss universe ang costume.. :D



I will wait for your suggestions =)


Sunday, October 3, 2010

Team Dinner @ Uncle Cheffy




Last thursday, September 29, 2010, We had our monthly team dinner at Uncle Cheffy, Eastwood Mall. Actually, first time ko lang sa restaurant na yon and I really really find the food very yummy and affordable. They're servings is good for two kaya naman ideal sia for a date.

super romantic pa ng ambiance kasi the chairs are made of parang abaka or something.. tapos sasabayan pa ng cool wind kapag sa veranda kayo naka-upo.

This restaurant is serving Italian food kaya naman super nag-enjoy talaga ako..

One of my favorite is Panizza.. it is a thin crust square pizza with a twist.. ang twist nito is before you eat this, you should put an alfalfa, tomato and lettuce then roll it.. healthy na siya, super yummy pa.



Next food is Carbonara... :) actually wala ito sa menu, but since sabi ko sa boss ko na I am craving for a carbonara, he asked the waiter kungmay carbonara.. sabi ni kuya waiter, pwede naman daw sila gumawa nun so happy na ako.. :D

We also ordered uncle cheffy sharing salad, tuna belly and blue marlin.. :)

Good Service. Good Food. Affordable Price.