Wednesday, October 6, 2010

BEWARE!



Grabe... This day is a mess.. muntikan na akong ma-holdup sa bus..
Ganito kasi ang nangyare..

Sumakay ako ng bus kaninang umaga sa Guadalupe papuntang opisina.. siguro aroung 9:30 am yun.. Siyempre chineck ko muna kung ung sign board nga eh papuntang ortigas ilalim bilang sa Robinson Galeria ako bababa...

Pag-akyat ko ng bus, madami ng tao sa bandang harap at gitna ng bus kaya mas pinili ko na lang magsolo at maupo sa bandang likuran.. sa tatluhan.. walang tao at wala din akong katabi sa kabilang side ng bus ng biglang may umupo doon na lalake.. di ko mawari bakit siya tingin ng tingin sa akin na parang may gustong itanong..

Nagstop ang bus sa pioneer (boni).. ng biglang siang sumesenyas na parang nagtatanong ng oras sakin..

Me: Wala akong relo eh.. (sabay pakita ng malaman kong kamay..)

Di pa rin tumigil si kuya at sumenyas pa na parang sa cellphone daw ako tumingin ng oras..

Me: Wala din akong Cellphone eh..

Buong akala ko di sia nakapagsasalita pero biglang..

Lalake: Impossible... Ilabas mo na..

Sobrang nagulat talaga ako.. at natakot dahil sa pinipilit nia akong ilabas yung cellphone ko.. parang gusto niyang tignan kung anong unit meron ako..

Nung patayo na siya.. at alam kong tatabihan ako.. Dali-dali akong tumayo at humaripas ng takbo sa may Harapan at sumiksik dun sa nagiisang babaeng walang katabi..

Siguro, kung hindi ako tumayo baka lahat na ng gamit ko nakuha niya..

Kaya mga friends.. paki-usap ko lang.. mag-ingat kayo dahil sa panahon ngayon, maraming kumakalat na masasamang tao sa paligid natin.. maraming beses na ako nadukutan kaya nagiingat na ako..

-END-

3 comments:

Ronnie said...

My god! Iba na talaga ang panahon ngayon lalo na't magpa-pasko. Iba't-ibang modus talaga ng mga snatchers/holdapers ngayon. Buti walang nangyaring 'di masama sa'yo.

=)

echoosera said...

Tama ka diyan Ronnie.. Sinabi mo pa.. super natakot kaya ako kanina.. :(

Nimmy said...

kalowkaaaaaa!

buti na lang walang nangyaring masama sa'yo. whew! kakatakot panahon ngayon. malapit na kasi mag-pasko.